Paano makahanap ng BFF?
Gustuhin man nating magkaroon ng BFF o best friend forever sa ating buhay, ang totoo minsan hindi talaga ito nagtatagal. Puwedeng walang dapat sisihin o pagkakamali man natin, minsan nakakapili tayo ng maling uri rin ng kaibigan. May mga tips upang umiwas ng maling kasama, bagkus ay humanap ng tunay na BFF mo sa buhay:
Tsismosa – Kailangan natin ng kaibigan na mapagkakatiwalaan at hindi ipagsasabi sa iba ang ating sekreto. Kaya hanapin ang taong tapat sa inyong pagkakaibigan.
Magagalitin – Huwag makisama sa taong akala mo ay laging galit sa mundo. Sa pakikisama mo sa taong magagalitin, kalaunan ay magagaya mo na rin ang kanyang masamang ugali.
Balimbing – Mahirap din pagkatiwalaan ang taong walang sariling paninindigan. Mabilis silang magbago ng pananaw kaya hindi nila alam kung kanino kakampi.
Makasarili – Gusto lang niya ay ang pansariling interest.
Immoral – Huwag kunsintihin ang kanyang immoral na gawain. Ang totoong kaibigan ay nagsasabi ng tama sa maling gawain o kasalanan ng kanyang bff.
May choice tayong pumili ng tamang kaibigan na makakasama at makakasabay nating lumago sa ating buhay.
- Latest