Kung mas malaki ang ginagastos mo kaysa sa iyong budget, tiyak na magkakaproblema ka dahil magkakapatung-patong na ang mga utang mo. Kailangan mong baguhin ang iyong sistema sa paghawak ng pera.
Gusto mo bang laging kulang ang panggastos mo? Bumibili ka ba ng mga bagay na hindi kaya ng bulsa mo? Bumibili ka ng mga bagay na hindi mo naman kailangan, pero kinuha mo pa rin dahil ito ay sale? Kung may sagot ka na sa mga tanong magdesisyon kung paano ka hahawak ng pananalapi mo.
Una, ibahin ang kinagawian pagdating sa paggastos ng iyong pera at mag-aral kung paano magtipid. Mahalaga na bayaran ang iyong mga utang. Maging matalino sa iyong paggastos.
Malaking tulong ang pera kung ginagamit mo ito nang tama. Sa katunayan, mahalagang bahagi ng buhay ng maraming tao ang pagkita at pagba-budget ng pera. Isipin lagi ang priority na pangangailangan ng pamilya, bago ang ibang bagay.
Mag-isip kung saan mo ginagamit ang pera mo? Kung saan napupunta ang lahat ng kinikita mo.