Ayon pag-aaral na ginawa ng mga eksperto sa USA, nakakatulong sa talino ng bata ang kaalaman sa pagtugtog ng kahit anong musical instrument. Narito ang mga sumusunod na patunay:
1-Ang IQ (Intelligence Quotient) score ng mga batang sumailalim ng 9 na buwang training sa piano at voice ay tumaas ng 3 points. Ang mga kaklase nila na hindi nag-training ay nanatii sa dati nilang score. (Study by E. Glenn Schellenberg, of the University of Toronto at Mississauga, 2004.)
2-Mas mabilis matuto sa mathematical and scientific concepts ang piano students. Nang binigyan ng test sa proportional reasoning – ratios, fractions, proportions, and thinking in space and time , mas mataas ang score nila ng 34 percent kumpara sa iba na hindi marunong tumugtog ng kahit anong musical instrument. (Neurological Research, 1997).
3-Mas maraming music majors ang natanggap sa medical school kumpara sa mga estudyanteng ang major ay sa English, biology, chemistry at math. (“The Comparative Academic Abilites of Students in Education and in Other Areas of a Multi-focus University,” Peter H. Wood, ERIC Document No. ED327480; “The Case for Music in Schools,” Phi Delta Kappan, 1994).
4-Ang batang tinuturuang tumugtog ng instrumento sa edad na 7 o mas bata pa ay lumalaking may mapanuring kaisipan. Ang pagkakaroon ng sharp mind ay dadalhin niya hanggang sa pagtanda. Ito ay kahit pa hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang music lesson sa kanyang adult life. (Brenda Hanna-Pladdy, a neurologist at the Emory University School of Medicine).