Kung naubusan ng shoe polish

Huwag itapon ang natirang cola na wala nang “spirit”.  Pakuluan ng 2 minuto ang cola sa nagtutong na kawali o kaldero. Palamigin. Magiging mabilis na ang pagtanggal sa tutong.

Para maiwasang magbara ang lababo, gawin ito at least once a month: Lagyan ng isang dakot na baking soda ang sink drain. Buhusan ng isang tasang suka. Pagkaraan ng 10 minutes, buhusan ng mainit na tubig.

Pakintabin ang black shoes sa pamamagitan ng pagkuskos ng balat ng saging. Ang “white side” ang ikukuskos. Limang minutong pahanginan. Kuskusin ng cotton cloth para lalong kumintab.

Lagyan muna ng aluminum foil ang kabayo ng palantsahan saka ipatong ang cloth cover. Ang foil ay good conductor of heat. Kahit mababa lang ang temperature ng iyong plantsa, ito ay mabilis makakaunat ng damit dahil mayroon nang init sa ilalim (mula foil), meron pa sa ibabaw.

Para maiwasan ang pagkupas ng damit na de-kulay, ibabad muna ang mga ito sa tubig na may kahalong asin (isang dakot na asin per timbang tubig). Saka labhan kinabukasan. Mas maraming asin, mas mainam.

Kalawang sa puting damit : Maghalo ng calamansi juice at asin. Ilagay sa affected area. Hayaang nakababad ng ilang minuto. Labhan.

             

Show comments