Sumama sa iba ang gf

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Choy, 35 yrs. old at binata pa rin. Nagkaroon ako ng gf noon at one year lang ang inabot ng relasyon namin. Siya ang nanligaw sa akin kahit hindi ako kagandahang lalaki. Sinagot ko siya at nagmahalan kami na parang mag-asawa. Sa katagalan ay natutunan ko na rin siyang mahalin ng totoo. Nang malipat ako ng trabaho, hindi nagbago ang init ng pagmamahalan namin tuwing magkikita kami. Lumipas ang ilang buwan ay nabalitaan kong may kinakasama na siyang ibang lalaki. Napakasakit para sa akin dahil siya ang una sa puso at buhay ko. Hahanapin ko pa ba siya ngayong iniwan na niya ako? Ano ang dapat kong gawin?

Dear Choy,

   Huwag mo na siyang hanapin. Ang pagsama niya sa ibang lalaki ay tanda na tinapos na niya ang inyong relasyon. Mahirap magmahal nang ikaw lang. Dapat mahal ka rin ng mahal mo. Pasalamat ka na lang at lumabas ang tunay niyang ugali habang hindi pa kayo kasal. Kung nangyari yan na mag-asawa na kayo ay mas komplikado. Kaya huwag mo siyang panghinayangan. Ang isang tulad niya ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal mo. Pag-aralan mo na siyang kalimutan. Makakatagpo ka rin ng babaeng mamahalin mo at magmamahal sa’yo ng tapat. 

 

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments