^

Para Malibang

Island of the Undead 59

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“NARITO na ang mga kailangan mo, Doctor Larry!” sigaw ni Miley, patakbong palayo sa sinakyang karuwahe.

Dala niya ang malalaking bag na kailangan ng surgeon.

“Sorry po kung nagtagal ako!” Humihingal ang dalaga.

“But it’s all over now, balik na ako sa normal kong sarili...”

Tinurukan agad ng duktor ng kontra pagkabulok ang bangkay ni Joanne.

Nakamasid ang gising na gising nang reyna ng Undead Island, matapos mababad sa kumukulong tubig sa malapad na kawa.

Ewan pa kung lumambot na ang pagkakunat-kunat nitong balat.

Buong higpit na niyakap ni Blizzard ang girlfriend. “Thank God narito ka na, Miley. Hindi ako maaring mabuhay kung wala ka na...”

Their feeling is mutual. Mabubuhay pareho kung magkapiling.

Walang babalang tinurukan naman ni Doktor Larry ng pampatulog si Reyna Coreana. “Para saan ‘yan, Dok Larry?”

Bahagya nang nari­nig ng lider ng mga Undead ang sagot. Hila na siya ng matinding antok.

“Para maayos ko na ang pagpapaganda sa iyo...” sagot ni Doktor Larry.  Napapabuntunghiinga ang makataong surgeon. Pakiramdam niya’y nakaharap sa isang Impossible Dream.

Tila nakatingala siya sa isang  Unreachable Star!

Pero inspirasyon niya ang tuluyang pagbuhay kay Doctora Joanne, his wife na tunay niyang minamahal.

Umepekto na rito ang gamot kontra-pagkabulok, lahat ng bahagi nito ay intact, hindi nasira.

BLAGABAGG.  Nabuwal sa ibabaw ng ‘operating table’ si Reyna Coreana, tulog na tulog na naman. Katabi nitong unconscious din si Doctora Joanne.

“Miley, kailangan na  kita bilang modelo. Maghubad ka na.”  (ITUTULOY)

           

            

vuukle comment

ACIRC

ANG

DOCTOR LARRY

DOCTORA JOANNE

DOK LARRY

DOKTOR LARRY

MILEY

NBSP

REYNA COREANA

THANK GOD

UNDEAD ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with