SIGURO’Y kinakalaban ni Miley ang takot sa himpapawid, habang ang sinasakyang karuwahe ay nagtatawid-dagat.
Kaya ibinabaling ang atensiyon sa putahe ng kanyang kamusmusan;
Gusto niyang kumain ng pospas na tanging kanyang ina lamang ang marunong magluto.
Tumanaw siya sa ibaba; nasa tapat pa rin sila ng dagat.
Pakiramdam ni Miley, mahuhulog siya sa tubig na pagkalalim-lalim-- anumang sandali.
Pumikit na lang ang dalagang mabait, panay ang tawag sa Diyos. Humihingi ng kaligtasan.
“Ayoko pong sa dagat mamatay, My Lord! Huwag Mo po akong gawing pagkain ng mga pating!”
IBA naman ang naglalaro sa isip ni Doktor Larry, habang luhaang hinahagod ang pisngi ng bangkay nang asawa.
“Hindi ko papayagang tuluyan ka nang maglaho sa piling ko, Joanne... ibabalik kita sa ‘ting mga anak.
“Magpapatuloy ang ating masayang pamilya, I swear!”
Kinainipan niya ang agad na pagbabalik ni Miley lulan ng kurwaheng lumilipad.
Bawat minuto ay mahalaga.
“Hindi dapat mag-set in ang pagkabulok ni Joanne...”
Muling niyakap niya ang bangkay ng asawa.
Buo na sa isip ni Doktor Larry ang kagilagilalas na scenario.
“Bubuhayin kita sa katauhan ng walang kamatayang reyna ng Undead Island, Joanne!
“Mananatili kang buhay, hindi tumatanda.
“You’ll be forever beautiful!
“At ang buong mundo—the whole world-- ay hahanga sa iyong walang kupas na kagandahan...Hanggang kailan ba ‘ka mo mananatili ang iyong ganda?
“Until forever, my love! Hanggang merong walang hanggan!
“And that’s a long, long time!” (ITUTULOY)