Sa halip na ubusin ang suweldo o sagarin ang laman ng credit card sa isang lakaran ng iyong barkada o bonding ng pamilya, mag-budget muna para ma-control ang pera mo. May mga paraan para hindi rin masaid ang laman ng ATM mo.
Maglista muna ng priority mong babayaran at ang mga dapat mong gastusin saka tuusin ang budget na kailangan mo. Magsulat din ng iyong bibilhin kapag magsa-shopping. Huwag din bumili ng item na wala sa iyong listahan.
Huwag gamitin ang credit card para mag-cash advance dahil mas mataas ang interes nito. Kung may utang ka sa iyong credit card, alamin ang detalye dahil baka binabayaran mo pa lamang ay ang mininum na halagang kinukuha ng bangko sa iyo. Ang masaklap pa, kahit ilang taon ka nang nagbabayad, pero hindi pa rin nababawasan ang utang mo dahil yung tubo pa lang ang binubuno mong bayaran sa laki ng interes nito.
Huwag din ipahiram o ipagamit ang credit card o ATM sa iyong kaibigan o sinuman. Huwag din ipaalam ang account no, pin number, o ibang detalye ng iyong ATM. Iwasan din gamitin ang date at year ng birthday mo, bilang security code ng iyong ATM na madaling mahulaan ang pin code mo, kapag napunta ang card mo sa ibang tao.