…kung umurong ang damit pagkatapos labhan?
Oo naman, puwedeng ibalik sa dati nitong size ang knitted sweater/cardigan at cotton shirts. Pero mahihirapang ibalik sa dating size ang umurong na damit na yari sa polyester, silk, rayon, o ang tela ay mahigpit ang paglala (weave) sa mga fibers.
1- Kumuha ng batya kung saan mo ibababad ang damit na umurong.
2 - Magtimpla ng tubig na pagbababaran – sa bawat isang litrong tubig, haluan ito ng isang kutsarang baby shampoo o hair conditioner. Ang dami ng iyong titimplahing mixture ay depende sa dami o size ng damit. Kailangan kasing nakalubog mabuti sa mixture ang damit.
3 - Ibabad ang damit ng 30 minutes. Paluluwagin ng shampoo ang pagkakadikit-dikit ng fibers ng tela kaya babalik itong muli sa dating size.
4 - Pigain ang damit upang matanggal ang tubig. Ilatag ang damit sa tuwalya. Irolyo ang tuwalya kasama ang damit. Dahan-dahang pigain ang damit na nakasapin sa tuwalya.
5 - Ilagay sa hanger ang damit at hayaang matuyo.