^

Para Malibang

#Pahulaan ng Gender ni Baby

Pang-masa

Babae o lalaki? Noong araw na hindi pa uso ang ultrasound or sonography, may mga palatandaang tinitingnan ang matatanda upang hulaan kung babae o lalaki ang ipinagbubuntis ni Nanay. Narito ang kakaiba ngunit nakakaaliw na sinaunang paraan ng panghuhula ng gender ni Baby:

1 - Mababa o mataas ang posisyon? Minsan, maliit pa lang ang tiyan pero parang nasa puson na ang bukol ng tiyan. Kung mataas, parang umaabot sa sikmura ang bukol. Mataas – babae; Mababa – lalaki.

2 - Kung palapad (horizontal) ang paglaki ng tiyan, babae. Kung ang  paglobo naman ay patungo sa unahan (forward), lalaki.

3 - Umihi sa malinis na arinola. Maglagay ng isang kutsarang baking soda. Kapag bumula at sumagitsit, lalaki.

4 - Kung sweets ang unang pagkain na napaglihian, babae. Kung maalat at maasim, lalaki.

5 - Kung bilog ang korte ng unang pagkaing napaglihian, lalaki. Kung walang korte, babae.

6 - Ayon sa paniwala ng mga Mayans (Indians sa Mexico, Guatemala, Belize): Kung ang sum total ng edad ni Nanay at sum total ng year na nabuntis siya ay parehong even or odd, babae ang magiging anak. Lalaki naman kung isa ay odd, at isa ay even. Halimbawa: Nabuntis ako noong 1987 (7 odd) sa edad na 26 (8 even): lalaki ang panganay ko. Sa bunso, nabuntis ako noong 1989 (9) sa edad na 29 (2): lalaki ulit ang bunso ko.

ANG

AYON

BABAE

BELIZE

HALIMBAWA

KAPAG

KUNG

LALAKI

MABABA

MAGLAGAY

NANAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with