Magic sa paningin

Nakasakay sa jeep ang pipi at binging nanay na panay ang senyas sa tatlo niyang kasama na maliliit na anak na lalaki.

Panay ang huntahan at tawanan ng mga bata, pero makikitang hindi na naa-out of place ang deaf and mute na ina sa kanyang mga supling.

Dahil kasabay ng kanilang pagsasalita ang pagkukumpas ng mga kamay ng mga bagets na sign language para maka-relate ang pipi at bingi nilang ina na nakikipagkulitan din sa kanila.

Magic sa paningin ng ibang pasahero ang pagmasdan ang mag-iina sa kanilang pagkukuwentuhan na nagsisilbing bonding.

Kahit pipi at bingi ang kanilang nanay makikitang maayos ang kanyang pagpapalaki dahil mukhang mababait at magalang ang kanyang mga anak.

Taliwas naman sa kasabayan ding pasaherong mag-ina sa jeep sa kabilang upuan.

Ang nanay ay busy sa kati-text sa cell phone, samantalang ang anak ay hindi kinakausap ang ina dahil busy naman ito sa paglalaro sa kanyang tablet.

Show comments