Island of the Undead 51

LUHAAN ngang nagdasal sa Diyos si Duktor Larry, ga-hibla na lang ang taglay na pag-asa.

“Nakikiusap po ako sa Inyo, Dear God, tulungan N’yo po kaming makawala sa alambreng may tinik!”

Sina Duktora Joanne, Miley at Blizzard ay tahimik na tahimik, humihikbi, halos tinakasan na ng pag-asa.

Gayunma’y naghihintay sila ng himala.

Hindi himala, iba ang  dumating.

Isang tauhang Undead,  “Doktor Larry, ikaw tawag aming reyna!” Nakatutok ang sibat nito sa duktor.

Handang pumatay masunod lang ang utos ni Reyna  Coreana. “Dali! Dali! -Ayaw inip aming reyna!”

Nakataas ang mga kamay ng duktor. Sumama nang madalian.

Nais niyang mainis nang makalapit na sa mala­king kawa. Kasi’y nakahiga pa rin, nakapikit, ang super-samang reyna.

Nasa kumukulong tubig pa rin ito. “Mali ang report mo, ulul!”

“Hindi mali! Ikaw mali!”  sigaw ng Undead, dinagukan agad si Dok  Larry.

DAGOKK!

Kinuwelyuhan siya ng super-pangit na Undead, puwersahang ihinarap sa kawa ng kumukulong tubig.

Noon biglang bumalikwas nang bangon si Reyna Coreana.

SWASS!

“Ahhhh!”  Napaigtad si Dok Larry, gulat na gulat.

“Ituloy na ang pagpapaganda sa akin! Ngayundin!”

Umiling ang surgeon. “Maraming problema—wala nang scalpel na magagamit, nasira na lahat sa makunat na balat...

“Bukod pa rito ang napakalupit mong paggapos sa aking kapwa-tao sa alambreng merong tinik!”

Tuluyan nang bumangon ang reyna, bumulung-bulong sa tikom na mga kamao nito.

Sa lengguwahe ng isang propesyonal na mangkukulam. “La-buru-buri... si-sisigg-wim-e... burrikik-i-i-k...”  (ITUTULOY)

Show comments