Bakas ng Tubig sa Wood Furniture: Punasan kaagad ng cotton cloth at patuyuin gamit ang hair dryer.
Para Mabilis Matuyo ang Basang Sapatos:
Isaksak sa loob ng sapatos ang ginusot na tuyong diyaryo. Hayaan magdamag.
Mantsa ng mantika sa damit: Pahiran ng white chalk ang mantsa. Tanggalin ang chalk sa pamamagitan ng mamasa-masang towel o kamiseta. Labhan.
Maalikabok na air vent ng airconditioner:
Kumuha ng butter knife. Balutin ng kamiseta. Ito ang ipanlinis sa makikipot na butas ng air vent.
Mantsa ng Lipstick: Ispreyan ng hair spray ang mismong mantsa. Maghintay ng 10 minutes. Tanggalin ang lipstick ng basang kamiseta. Saka labhan.
Tutong sa kaldero o kawali: Lagyan ng tubig at suka ang kaldero/kawali. Pakuluan. Patayin ang apoy. Lagyan ng 2 kutsarang baking soda. Kuskusin. Banlawan.
Paglilinis ng Window Blinds: Isuot sa kamay ang lumang medyas. Paghaluin ang 1 cup suka sa 1 cup tubig. Dito isawsaw ang kamay na may medyas. Punasan ang bawat pagitan ng blinds.