Nagmumuta? Ay, baka sore eyes ‘yan! (Last part)

Pansamantalang lunas para maibsan ang hapdi at pangangati:Bukod sa cold compress – pagdampi sa mata ng yelong nakabalot sa malinis na kamiseta, narito ang iba pang first aid habang hindi ka pa nakakapunta sa doktor:

Black and green tea -Basain ang tea bag at ilagay sa apektadong mata. Hayaan ito hangga’t hindi nakakadama ng ginhawa. Ang bio-flavonoids ng tsaa ay nakakatulong upang hindi dumami ang bacteria at gumaling sa pamamaga ang mata. Ang tannic acid na taglay ng tsaa ang pumipigil upang huwag lumala ang pangangati.

Patatas - Maghiwa ng patatas na ang size ay magkakasya sa mata kapag ipinatong. Hugasang mabuti. Palamigin sa freezer ng ilang minuto. Ipatong sa apektadong mata ng 15 minutes. May sustansiya ang patatas na nakakabawas ng pamamaga ng mata.

Ano ang gagawin para hindi makahawa o mahawa?

Laging maghugas ng kamay at huwag kamutin ang mata. Bulak ang ipampunas sa luha at muta.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

As soon as possible. Base sa sariling karanasan, bago pa lang namimigat, nagluluha at nanghahapdi ang aking mata, agad akong komukunsulta sa eye specialist. Naaplayan ko kaagad ng gamot ang aking mata na nagsisimula nang magkaroon ng nana ayon sa doktor kaya nasugpo kaagad ito. Hindi na ako nagkatsansa pang manghawa o magsabog ng lagim sa aking mga kasama sa bahay.

Sources: kalusugan.ph, Wikipedia, stylecraze.com

 

Show comments