Diarrhea ngayong tag-ulan

Dahil ngayon ay panahon ng tag-ulan, hindi maiiwasan na makainom ng maduming tubig lalo na kung ikaw ay na-stranded at walang ibang pagpipilian kundi ang makiinom ng tubig sa ibang tao o bahay. Bunsod nito, hindi mo rin mapipigilan ang posibilidad na may makapasok na bacteria sa iyong tiyan. Kung mamalasin ka pa, susumpungin ka ng diarrhea sa peligrong oras at panahon na hindi ka makakatakbo sa ospital. Ano nga bang dapat gawin sa oras na magkaaberya sa tiyan at kinakailangan mong gamutin ang iyong sarili?

Una, dapat na tiyaking hindi ka mauubusan ng fluid o electrolyte sa iyong katawan. Ito ay sa pamamagitan ng madalas na pag-inom ng tubig. Mabisa rin ang pag-inom ng mainit na sabaw ng sinaing. Ang “am” ay mahusay na pantanggal ng kabag at tumutulong na makontrol ang bacteria na nasa loob ng iyong tiyan. Kung wala naman pagkakataon na makagawa ng am at walang ibang gamut na maaaring inumin ng ligtas sa iyong kalusugan, mabuting gumawa ng sariling “Oresol” o Oral Dehydration Solution”. Madali lang itong gawin. Maghalo lang ng kalahating kutsaritang asin  at anim na kutsaritang asukal sa isang litrong malinis na tubig. Uminom nito sa kada isang pagdumi upang hindi ma-dehydrate.

Ngunit kung sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagdudumi, mas makabubuting magpakonsulta agad sa doktor lalo na kung walang tigil ang pagsusuka, nilalagnat ng mas mataas sa 38 degrees celsius, may kasamang dugo ang dumi, natutulog ng 12-oras kada araw at iba pa.

Gayunman, ang diarrhea ay paraan din ng iyong katawan para mailabas ang mga toxic sa iyong tiyan. At ang pagdudumi ng 24-oras ng hindi naman sunod-sunod ay posibleng paglalabas lang ng iyong tiyan ng bacteria na nakapasok sa iyong small/large intestines.

 

Show comments