Tips na pampagaan ng buhay
1-Para hindi mahirapan sa pagsuklay ng buhok pagkatapos maligo: Suklayin ang buhok pagkatapos aplayan ng conditioner. Magbaon ng plastic brush o suklay sa toilet.
2-Mas magiging matibay ang tahi ng libro kung iiwasan itong iwanan na nakabukas at nakataob sa flat surface kagaya ng mesa. Mas mabuting iwanan itong nakabukas ngunit nakasampay nang pataob sa sandalan ng silya.
3-Kung namantsahan ang damit ng ink ng ballpen, ibabad muna sa gatas saka labhan.
4-Magdagdag ng kaunting asukal at gatas sa tubig na paglalagaan ng mais. Mas magiging malinamnam ang nilagang mais.
5-Lagyan ng bigas ang salt shaker upang manatiling tuyo ang asin. Bigas ang sisipsip ng moisture.
6-Kung kumain ka ng pagkaing hindi mo akalaing sobra pala ang anghang, magsubo ng asin, pero huwag mo itong lulunukin. Naka-stand-by lang ito sa iyong dila. Kumuha ng tubig, magmumog at saka idura ito.- Itutuloy
- Latest