^

Para Malibang

Island of the undead (38)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“HUWAG kang magkaila, duktor! Kahit napakahina ng pag-awit mo, alam kong kinakanta mo ang  GRANADA na version ni Trini Lopez!”

“B-bawal po ba?” namumutlang tanong ni Duktor Larry.

Naihanda na nila ng asawang si Joanne ang gagamitin sa plastic surgery, na  hopefully ay magpapaganda sa napakapangit na reyna ng Undead Island.

Hagulhol ang naging tugon ni Reyna Coreana.

“BUU-HUU-HUU-HUUU!”

Naintriga nang husto si Duktora Joanne. Umiral ang interes sa kapwa nilalang na babae.

Lakas-loob na nagtanong siya sa reyna.

“A-ano po ba ang kaugnayan ng kantang Granada?”

“Pinatay ng buwisit na Granadang ‘yan ang pinakamamahal kong si Quinito!” bulyaw ng reyna.

“Mister n’yo po ba ‘yung Chiquito?”

“Quinito! Gaga!”

“S-sorry po, medyo nabingi ako...”

“Half-brother ko si Quinito and I love him very much! Hindi ko matanggap na namatay siya nang walang magandang dahilan!”

Nakikinig sa kuwento ng reyna sina Joanne at Larry. Kinakalma nila ang takot at kawalang-katiyakan ng buhay.

‘Mahilig kumanta si Quinito, kahit walang hilig sa kanya ang kanta. Tone-deft, sintunadung-sintunado ang half-bro ko...” (Itutuloy)

ACIRC

ANG

CHIQUITO

DUKTOR LARRY

DUKTORA JOANNE

JOANNE

QUINITO

QUINITO AND I

REYNA COREANA

TRINI LOPEZ

UNDEAD ISLAND

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with