Mas ‘macho’ si mister kung... (1)

Maraming kababaihan ang nagkakaroon ng “frustration” sa kanilang mga mister dahil hindi nila naiintindihan kadalasan ang mga ito. Dahil sa totoo lang ang pag-aasawa ay hindi naman isang gaya ng kuwento sa mga fairy tales na palaging “happy ending”. Dahil upang magtagal at magkaroon ng “forever” sa isang pagsasama kailangan ng pagbibigayan, pag-uunawaan, at pagmamahal sa bawat isa. Kung ikaw ay isang lalaki na nais ipakita sa iyong misis kung gaano siya kaimportante sa’yo, napakarami mong magagawa para maipakita ito. Narito ang ilang hakbang:

Matutong umamin ng pagkakamali – Ang hindi matinag-tinag na “pride” ay hindi magdudulot ng maganda sa inyong relasyon. Bakit hindi mo ihinto ang “macho effect” mo sa buhay at tanggapin na minsan ay nagkakamali ka rin naman. Makatutulong ang ganitong sistema para maiwasan ninyo ang palagiang pagtatalo at tiyak na mamahalin ka niya at ma-appreciate niya ang bagay na ito.

Maging bukas – Kung ikaw ay may pinagdaraanang problema o depresyon sa anumang bagay, huwag mahihiyang ikuwento ito sa iyong misis. Ang pagkukuwento ng mga problema at frustrations ay hindi naman tanda ng kahinaan ng pagkatao. Makakukuha ka kasi ng lakas sa iyong kalooban kung makaririnig ka ng panghihikayat sa iyong misis na ang lahat ng bagay ay lumilipas lang. Ang madalas na pakikipag-usap ang susi para magkaroon ng bukas na pagsasama.

Show comments