^

Para Malibang

Proseso ng matalinong pagdedesisyon

Pang-masa

Ikaw ba ay nasa proseso na kailangan mong magdesisyon pero hindi mo alam kung ano ang iyong gagawin? Mabilis ka bang magdesisyon dahil hindi ka na makapaghintay o nadadala ka ng pressure mula sa ibang tao? Ang tamang timing sa isang sitwasyon ay puwedeng maging kritikal sa kahihinatnan ng iyong desisyon lalo na sa panahon ngayon.  Natural lang na takot kang maging  “bad” or “wrong” ang resulta ng iyong move. May mga para-paraan upang maging matalino ang ong decision-making. Puwede mong pag-isip muna ng scenario  dahil ngayon pa lang ay maaari nang  iwasan mo ang kapalpakan o pagkakamali  sa pagtitimbang ng inaasahang sitwasyon sa iyong isipan.  May ilang bagay na puwedeng pamantayan ng iyong desisyon:

Potensyal na babala o pagbabanta: Isipin ang mga aspetong financial, technical, o kalusugan na puwedeng maging babala o problema sa posibleng scenario na iyong kakaharapin.

Survey- Mainam na humingi ng payo sa expert kung ano ang pinagdaanan nila na magiging gabay mo sa iyong desisyon.

Pagkakamali - Ang susi ng tagumpay ay nakasalalay sa proseso ng pagkakamali hanggang ikaw ay matuto.  Huwag matakot na magkamali. Huwag mong lang ibaon ang sarili mo sa pagkakamali.  Dapat gawing hamon ang iyong pagkakamali na isang check and balance sa pagharap ng bagong challenges ng iyong journey.

Focus – Isentro ang iyong pag-iisip sa iyong goal. Tanggalin ang mga destruction sa iyong goal. Maglaan ng oras na improve ang sarili. Manalangin at maniwalang makakamit mo ang iyong pangarap na may basbas ng Panginoon.

Sariling sikap – Huwag mong hintayin ang ibang tao na gawin ang iyong responsibidad. Mara­ming indibiduwal na naghihintay  pa rin na ang ibang tao ang magbigay sa kanilang ng pagkakataon para maging tagumpay.  Gusto ng Panginoon na makamit natin ang ating goal na nakalaan para sa atin. Walang ibang kikilos para mangarap o magtrabaho para matupad ang plano ng Diyos sa iyong buhay.

Positibo – Malaking epekto ang positibong pag-iisip tulad ng bukang bibig ni Kris Aquino na love, love, love. Huwag kang sumuko sa iyong pangarap. Maniwala na makakamit mo ito. At kung may alinlangan ka pa, dapat ipagpag mo ito sa iyong isipan para mabura ang doubt sa iyong sistema. Upang masagap mo ang mga good vibes or energy sa iyong paligid, kesa mag-isip ng negatibong bagay na nagpapabagal ng pag-usad ng iyong pag-asenso.

 

ACIRC

ANG

DAPAT

DIYOS

HUWAG

IKAW

ISENTRO

IYONG

KRIS AQUINO

NBSP

PANGINOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with