Takot manligaw

Dear Vanezza,

I’m 18 yrs. old. Ang problema ko po ay paano ko liligawan ang babae. Uso na po kasi ang ligaw sa text. Gusto ko sanang bigyan siya ng love letter kaso baka sabihin niya baduy ako. Ano po ang maipapayo niyo? Salamat po. - Leeto

Dear Leeto,

Ituloy mo lang ang pagbibigay sa kanya ng love letter upang ipakita ang iyong malinis na pagmamahal. Sa sulat ay malaya mong maipapahayag ang iyong pag-ibig. Natitiyak kong maa-appreciate niya ito at ikatutuwa ng kanyang puso. Ok din naman kung susunod ka sa uso na panliligaw sa text. Pwede mong subukan pareho at tignan mo kung saan siya mas komportable. Ang mahalaga ay ipinapakita mong mahal mo siya.

Vanezza

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments