Koneksiyon ng ‘Bullying’ sa Fenghui

Nakakaranas ba ng pambu-bully ang iyong anak? Inspeksyunin mo ang kanyang bed arrangement. Minsan, ang culprit ng bullying ay ang posisyon ng kanyang higaan. Baka ang kanyang bed ay nakatapat sa bedroom door. Kapag ganito ang ayos ng kanyang higaan, diretsong tinatamaan siya ng “energy” na pumapasok sa kuwarto. Ang energy na nabanggit ay nagiging poison arrow sa bata. Ang resulta ay mababawasan ang tiwala niya sa kanyang sarili. Ang kawalan ng tiwala ay magre-reflect sa kanyang kilos. Ang mga bad guys pa naman sa school, mga estudyanteng mahihina ang personalidad ang gustong-gustong biktimahin. Kaya siya ang pag-iinitan ng mga ito.

Show comments