^

Para Malibang

Magbibigay ng sustento kung makikipagbalikan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Ako po ay isang dalagang-ina at namamasukang maid sa isang pamilya dito sa Maynila. May 3 buwan pa lang akong nakakapanganak ng mamasukan ako sa kanila. May asawa na po ang nakabuntis sa akin. Nang mabalitaan ng aking ama sa probinsiya na buntis ako, lumuwas siya para kausapin ang bf ko. Pero hindi po siya makasagot na pakakasalan niya ako dahil ipinagtapat niyang mayroon siyang asawa. Noon din ay pinauwi ako ng probinsiya ng tatay ko at sinabihang putulin na namin ang aming relasyon dahil wala naman siyang maipapangakong seguridad. Doon na rin ako sa probinsiya nanganak. Nagpadala siya ng pera sa akin para sa aking panganganak. Muli akong bumalik sa aking amo at ang aking anak ay ipinaalaga ko sa nanay ko. Nang mabalitaan ng bf ko, muli niya akong pinuntahan at inalok na ituloy namin ang aming relasyon at susuportahan niya raw kami ng anak niya. Mahal ko pa rin siya sa kabila ng panloloko niya sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin? - Sonia

Dear Sonia,  

Kung ang perang ibibigay niya sa’yo ay may kapalit, mabuti pang huwag mo ng tanggapin ang sustento. Kung nais mong matahimik ang buhay mo, layuan mo na siya dahil lalo ka lang magkakaroon ng malaking problema kung malaman ng tunay niyang asawa ang relasyon ninyo. D’yan mo rin makikita ang tunay niyang pakay sa’yo. Kung talagang kapakanan ng inyong anak at matulungan ka sa hirap ang gusto niya, hindi niya ikakabit sa alok na sustento ang ibalik ang inyong relasyon na wala rin namang kahihinatnan dahil mayroon siyang asawa. Tama na ang minsang pagkakamali at matuto kang bumangon sa kamaliang ito.  Makakatagpo ka pa naman ng ibang lalaki na iibigin ka sa kabila ng pagiging isang dalagang-ina.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANG

ANO

DEAR SONIA

DEAR VANEZZA

MAKAKATAGPO

MAYNILA

MULI

NANG

NIYA

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with