^

Para Malibang

Island of the undead (16)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

GUMAGALAW-GALAW. Kumikislot-kislot ang kalansay. Lasug-lasog. Pero buhay. Nagsasalita pa nga ang bungo na natapyas.

Sumisigaw ito.

“Mahal na Reyna Coreana! Maawa kayo! Ipatali n’yo naman ang kalansay ko para mabuo! Ayokong habang-buhay ay dito na lang ako!”

Binale-wala ang sigaw na iyon. Sina Miley at Blizzard ang hinarap ng reyna. “Hindi namin kayo kakainin. Pero kayo ang mga alipin ko mula ngayon!”

Muntik nang masuka si Blizzard. Talagang nakakasuka ang amoy ng mga undead, nabubulok sila pero hindi natutunaw. Kahit may mga uod na ang karamihan at nangangamoy ... iyon na nga, ayaw mamatay-matay.

Isipin lang na magsisilbi sila sa reyna na kaybaho rin at nakakadiri, na lagi silang mapapadikit dito ... parang hindi kakayanin ni Blizzard.

Hindi nga kinaya.

Nahilo si Blizzard, parang kandilang nauupos.

Pero alerto at mabilis ngang mag-isip si Miley. Alam niyang kapag nainsulto ang reyna dahil sa reaksiyon ni Blizzard, manganganib na naman sila.

Agad  niyakap ni Miley ang nobyo. “Blizzard! Huwag ka namang himatayin dahil sa tuwa na magsisilbi tayo sa napakagandang reyna! Hoy, umayos ka na!”

Palihim na kinurot ng napakapino ni Miley ang tagiliran ng nobyo para mahimasmasan ito. Napatayo nga uli ng tuwid si Blizzard.

Napangiti naman si Reyna Coreana, nabola. “Salamat naman at marunong kayong tumingin ng totoong kagandahan. At ako nga ‘yon. Talagang isang karangalan ninyo na mapili kong mga alipin. Sige na, sumama na kayo sa amin. Magsisimula na kayo sa inyong tungkulin  sa bago ninyong reyna. Ang unang-una ninyong gagawin ay ...”

Parehong hindi halos humihinga ang young lovers. Alam nila, it will be a nightmare ... kung ano man ang unang ipagagawa sa kanila.

“Ay, saka ko na nga lang sasabihin. Basta matutuwa kayo sa gagawin ninyo sa akin! Hihihi!” Kinilig pa ang walang kamatayang nilalang.

Gumaya rin ang mga minions. Humahagikhik din. Hikhikhikhik.

Ayaw ni Blizzard ng bitin na impiyerno.

Ang gusto niya ay ngayon na niya malalaman ang kung ano mang pagdudusahan nila ni Miley. “Sabihin n’yo na ho! Para mapaghandaan na namin!”

Mahinhin na ngumiti si Reyna Coreana. “O sige na nga. Ang una ninyong tungkulin sa akin ay ... paliguan ako! Hihihi!” ITUTULOY

 

 

vuukle comment

ACIRC

ALAM

ANG

BLIZZARD

HIHIHI

MILEY

NGA

PERO

REYNA

REYNA COREANA

SINA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with