Litson

Panaginip: Ang litson na hinahati ko ay pulos uod ang laman ng tiyan. Hindi ko pinaghinalaan na bulok dahil mainit-init pa at napakaganda ng hitsura ng balat.---Milton

Interpretation: Ang uod ay simbolo ng isang bagay na masama o isang bagay na nakakaperwisyo. Ang litson ay simbolo ng mga bagay na nagbibigay sa kasiyahan. Kung pagkokonektahin natin ang simbolong ipinapahayag ng iyong pa­naginip—May ginagawa ka na nagbibigay sa iyo ng kasiyahan ngunit sa bandang huli ay magdudulot sa iyo ng kapahamakan.

 

Show comments