Gate at Bakod ng Bahay

1— Ang bakod ang nagbibigay sa atin ng privacy at nagiging dividing line ng ating private property mula sa outside world. Dito sa bakod tumitigil ang good energy bago sila pumasok sa loob ng bahay. Nawawala ang good energy kung ang bakod ay may sira.

2— Hindi magandang isagad  ang wall ng bahay hanggang bakod. Ang paglalagay ng bintana sa wall ay magreresulta ng intrigahan sa mga magkakapitbahay.

3— Ang drainage canal sa harapan ng gate ay humahadlang para maging financially stable ang pamilya o malayong maging mayaman kahit pa magtrabaho nang magtrabaho.

4— Ang rule of the thumb, dapat ang gate ay kasingtaas ng bakod.

5— Iwasang maglagay ng bubong sa tapat ng gate na may korteng kabaong.

6— Balanse dapat ang paglalagay ng gate sa pagitan ng bakod. Kung ilalagay sa gitna ang gate, dapat ay magkasukat ang bakod sa kaliwa at kanan.

7— Kung ang gate ay nasa gitna pero mas makipot ang kanang bakod kaysa kaliwa, maagang mamamatay ang misis ng tahanan. Kung ang mas makipot ay kaliwa, ama ang maagang mamamatay.

8— Mas mainam na ilagay ang gate sa dulong kanan o dulong kaliwa.

9— Kung may dalawang gate sa iisang side ng bakod, magiging palaban ang mga anak sa head of the family.

10— Ang bubong na butas-butas ay financial difficulty ang resulta sa pamilya.

Show comments