Paraan para maibsan ang ‘init’ (1)

Ngayong panahon ng summer ay nag-iisip tayo ng mga paraan para mapaghandaan ang matinding init na dulot ng panahon. Isa na rito ang mga pagkain natin na maaaring makapagpapawi at maiwas sa anumang sakit na maaaring makuha sa tindi ng init ng panahon. Naririto ang ilan sa dapat at hindi dapat kainin o gawin tuwing sasapit ang tag-init.  

1. Uminom ng maraming tubig.

Ang isang paraan ng para manatiling malamig ang pakiramdam ay uminom ng maraming tubig. Kapag mataas ang lebel ng humidity  ang pawis ay hindi agad nag-e-evaporate. Ito ay makakatulong sa katawan na mapalamig ang nararamdamang matinding init. Kailangan natin na ma-hydrate at uminom ng tubig kahit pa hindi nauuhaw. Dagdagan ang mga iniinom na tubig kahit anong ginagawa at saan man magpunta.

2. Iwasan ang caffeinated at carbonated na inumin, alcoholic beverages, at matataas sa sugar.

Lahat ng inumin na ito ay mayroong preservatives, colours at sugars. Lahat ng inuming ito ay maaaring makapagpataas ng acid at nagdudulot na malimit na pag-ihi na maaaring maging sanhi ng mabilis na pag­labas ng likido na kailangan ng ating katawan upang mapanatili ang malamig na temperatura.

Karamihan sa soft drinks ay maroong phosphoric acid, na maaaring makapinsala ng inner linning ng digestive tract na makakaapekto sa trabaho nito.

Ang sobrang pag-inom ng soft drinks ay makakapagpataas ng lebel ng phosphorous sa dugo na makapaghihiwalay ng calcium sa buto na magiging sanhi ng pagrupok nito. Ito rin ay sanhi ng plaque sa ngipin, kidney stones, arthritis at bone spur.

Nakakabawas din ito sa lebel ng mineral sa ating katawan na makapaglimita ng enzymes na gawin ang trabaho nito na maaaring maging sanhi ng indigestion.

Show comments