10 Paraan Para Labanan ang Mangkukulam

Kung biktima ka ng pangungulam, may paraan na ngayon para ibalik mo sa mangkukulam ang perwisyo na ginagawa niya sa iyo. Narito ang paraan:

1 — Kumuha ng isang malinis at maliit na glass jar ng kape, mayonnaise, pickles, etc.

2 — Punuin ito ng mga lumang pako, aspile, needle, blade o anumang bagay na nakakatusok/matulis na puwedeng magkasya sa maliit na garapon.

3 — Punuin mo ng iyong ihi ang garapon. Kung babae ang biktima, mas effective kung ihi na may kasamang menstrual blood ang ilalagay sa garapon.

4 — Takpan ang garapon. Lagyan ng tape ang takip para hindi tumapon ang laman.

5 — Maghukay ng may lalim na 12 inches (isang ruler) at doon ibaon ang garapon.

6 — Hindi dapat magalaw ang bote. Habang nakabaon ang bote, hindi ka tatablan ng anumang kulam na gagawin sa iyo. Babalik lang ang kulam sa mismong nangungulam. Kaya siguraduhing hindi taniman o busy place ang lugar na pagbabaunan ng bote.

7 —Kahit pa sa pinakamalayong lugar mo ibaon ang bote, okey lang ‘yun, basta’t nakabaon sa lupa.

8 —Kung sa malayong lugar ka nagbaon at hindi nakakaseguro kung nagalaw na ito, muling gumawa ng Protection Bottle pagkatapos ng isang taon.

9 — Manalangin.

10 —Ipagpatuloy ang pagiging mabuting tao.

Show comments