Ang pagsali sa outdoor workouts at ang pag-inom ng alak sa kainitan ng panahon ay maaari ring maging sanhi ng heat stroke dahil sa nararanasang tag-init. Ang pinakamahusay ay umiwas sa matinding init. Kapag sobra ang init, ang mga sumusunod na pamaraan ay maaaring makasagip ng buhay:
1. Magtungo sa mga gusaling may air-conditioner sa inyong komunidad kung ang inyong tahanan ay walang air-conditioned. Kagaya ng sinehan, mga aklatan, shopping malls, o iba pang tinaguriang “sentro ng palamigan”. Kahit ilang oras na pananatili sa may air conditioning ay makakatulong na maibsan ang init ng iyong katawan. Ang mga bentilador ay maaaring magbigay ng ginhawa, pero kung ang temperatura ay mataas, hindi ito sapat. Pinatunayan na ng ilang researches na ang bentilador ay epektibo lamang kung ang temperatura sa kapaligiran ay mas mababa sa temperatura ng katawan. Makakatulong din ang pagsa-shower o pagligo sa malamig na tubig. Ugaliin din ang pag-inom ng maraming likido ngayong tag-init. Huwag nang hintayin pang mauhaw ka bago ka uminom. Kung ang doktor mo naman ay nililimita ang iyong pag-inom ng likido, tiyaking magtanong kung gaano karami ang maaaring inumin kung mainit ang panahon. Tanungin din ang doctor kung ang inyong medikasyon na iniinom ay nakakadagdag sa inyong pagkakaroon ng karamdaman na may kaugnayan ng init. Iwasan ang mga inuming may caffeine (tulad ng kape at ilang sopdrinks), alkohol, o malalaking bahagi ng asukal dahil ang mga inuming ito ay maaring maging sanhi ng panunuyo. Iwasan din ang mabibigat na protinang mga pagkain (karne at mga produktong mula sa gatas), na nakakadagdag sa init ng katawan at pagkawala ng tubig.