‘It’s complicated’

Dear Vanezza,

I’m Jane, 20. May boyfriend po ako na 27 years old at ngayon ay tatlong buwan na ang aming relasyon. Ang problema ko po may asawa siya at may anak naman ako. Kaya lang nagmamahalan po talaga kami at sa kanya ko lang nadama ang tunay na pag-ibig. Tama ba na ipagpatuloy ko ang relasyong ito?

Dear Jane,

Sa simula pa lang ay hindi na tama ang relasyon ninyo dahil may asawa na siya. Anumang pag-ibig mayroon kayo ay dapat ni’yo nang tapusin. Bata ka pa at mas mabuting ituon mo ang iyong pansin sa iyong anak kung paano siya mabibigyan ng magandang future. Subukin mo ring mas lalong paunlarin ang iyong sarili at ‘wag gawing sentro ng iyong buhay ang lalaking ‘yan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments