‘Beauty and the Beast’

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Milo, 28 years old at binata pa. May gf ako. Maganda siya at marami ang nagsasabi na kahawig siya ni Kim Chiu. Kaso, kapag namamasyal kami at nakaakbay ako sa kanya, pinagtitinginan kami ng mga tao. Kasi, pangit po ako, maitim at kulang sa height. Ang taas ko ay 5’1” at siya ay 5’3”. Naiilang ako kapag nangyayari ito. Kapag tatanungin ko naman siya, okay lang daw sa kanya. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Milo,

Tingin ko’y hindi naman problema iyan. Dapat ka pa ngang magmalaki at kahit kulang ka sa kakisigan, may maganda kang nobya. Pero kung talagang naaalangan ka na sumabay sa kanya sa paglalakad, sabihin mo sa kanya na mag-flat siya at ikaw naman ay mag-heels para mahabol mo ang taas niya. Ang mahalaga’y mahal ka ng nobya mo at tanggap niya anuman ang iyong “kapintasan” kaya ‘wag mong masyadong problemahin ang sasabihin ng iba.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments