HINDi matapos-tapos ang pag-iyak ni Shirya sa kamatayan ni Burdugul. Lahat ng mga likha niyang halimaw—malaki man o maliit—ay mahalaga sa kanya.
“Wala nang halaga ang buhay ko. Ngayong natalo ako ng mga tao, what is there to live for?
Nasa munting talon o waterfalls si Shirya. Sa likuran ng talon ay ang kuwebang pinaglibingan kay Eugenio.
“Wala nang saysay ang aking buhay. Patay na si Eugenio.”
Mala-libingan ang katahimikan ng paligid, nagdadagdag sa labis na kalungkutan ng diwata.
Noon niya nadinig ang bahaw na tinig. “Shirya... Shirya...”
Napaigtad ang hubo’t hubad na diwata. “E-Eugenio? Boses mo ba ang nadinig k-ko?”
Unti-unti niyang nabanaagan ang anino sa likod ng talon. “Boses ko nga iyon, Shirya. Hindi ako mamatay-matay kahit ako’y patay na.
“Isa na akong walking dead, isa nang ZOMBIE...”
Napaatras ang diwatang walang saplot. Gilalas na gilalas. “Pero ano ang dahilan, Eugenio?”
“Siguro, Shirya, noong kabataan ko—I must have done something bad, isang bagay na napakasama ang nagawa ko...”
Napahagulhol lalo si Shirya, sa habag sa lalaking tanging minahal. “Hu-hu-hu-hu-huu. “
“Lalabas na ba akong tuluyan, Shirya? Handa ka nang makita ako?”
Tumango nang tumango ang diwatang walang saplot. “Hindi ako matatakot sa iyo, Eugenio. Mahal na mahal kita...”
“Tatagan mo ang iyong sarili, Shirya, ako mismo ay nahahambal sa anyo ko.” Nakita ng walking dead ang sariling hitsura sa tubig ng batis.
Hindi nagtagal, nakahantad nang tuluyan kay Shirya si Eugenio. Isa na nga siyang walking dead.
Nanginig si Shirya, higit pala sa inaasahan ang anyo ni Eugenio—katumbas marahil ng sanlibong bangungot!
“EEEEE!” Hindi napigil ni Shirya ang mapatili.
(ITUTULOY)