Alam n’yo ba na mayroong mga bundok sa buwan? Sa katunayan ang pinakamataas na bundok sa buwan ay ang Mons Huygens, ito ay bahagi ng Montes Apenninus. May taas itong 4,700m (15,420ft). Ang nasabing bundok ay ipinangalan sa Dutch mathematician na si Christiaan Huygens (1629-1695). Siya rin ang unang nagpa-patent ng pendulum clock ng ito ay kanyang madiskubre. Bumaba ang Apollo 15 mission malapit sa Mons Huygens noong July 30,1971. Ang pinakamalawak naman na crater ng buwan ay ang “Bailly”. May sukat itong 303km (188 miles) ang diametro. (mula sa Book of World Records)