Alam nating malaki ang ibinibigay na atensiyon ng mga lalaki sakanilang mga ‘alaga’. Maraming seremonyas, orasyon at kung anu-ano pa ang ginagawa ng mga lalaki para mapangalagaan ang kanilang “penis”. Ngunit ang totoo, ay maraming bagay tungkol sa penis na hindi alam ng mga lalaki. Narito ang mga bagay-bagay tungkol sa penis ayon sa men’s health magazine na dapat malaman ng mga lalaki base sa mga research at surveys. Ang Men’s Health magazine ay ang kilalang men’s magazine na nagbibigay payo ukol sa health at sexual issues ng mga lalaki.
*Alam n’yo bang lumiliit ng halos isang sentimetro ang penis sa paninigarilyo? Kung wala kang pakialam na nasisira ang iyong baga sa paninigarilyo, puwes, kapag nanigarilyo ka, isipin mo kung ano ang mangyyari sa‘kargada’ mo. Ayon sa men’s health.com, importante sa erection ang maayos na blood flow at ang paninigarilyo ay nagpapasikip ng blood vessels kaya naapektuhan ang erectile circulation.
*Alam n’yo bang ginagamit ang balat na tinanggal sa mga baby kapag tinuli bilang pamalit sa nasunog na balat. Sinasabing lumalaki ang balat na nakuha mula sa tinuling bata na kayang takpan ang isang footballfield.
* Ang lumalaking prostate gland ay maaaring maging sanhi ng erectile.
dysfunction at premature ejaculation. Kaya kung may problema sa erection, siguradong ang titingnan ng doctor ang prostate. (Itutuloy)