Hirap na si mister sa kama

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa alyas Eda, may asawa. Dalawa ang anak ko sa aking asawa sa loob ng apat  na taong pagsasama namin. Ngunit may napapansin akong pagbabago sa aming most intimate moment. Nawawalan na siya ng gana sa pagtatalik. Nahahalata ko kung minsan na parang napipilitan lang siya. Hindi na siya kasing-init tulad noon at hirap na hirap siyang makaraos. Kapag nangyayari ito, nag-aalburoto siya at ang dapat sana’y romansa namin ay nauuwi sa pag-aaway kung minsan. Kung ako lang ay walang problema. Hindi naman ako palahanap. Pero alam ko kasi kung gaano kahalaga ang kakayahan ng lalaki sa sex para ma-boost ang kanyang ego. Ano kaya ang problema niya? Malulutas pa ba ito?

Dear Eda,

Ang isang common cause ng pagkawala ng gana ng lalaki ay diabetes. Naaapektuhan kasi ng sakit na ito ang sirkulasyon ng dugo kaya posibleng manlupaypay ang lalaki sa panahon ng pagtatalik. Ang pinakamabuti mong magagawa ay ipakonsulta sa doktor ang nararamdamang sintomas ng iyong asawa at baka maaaring maagapan pa. Mahalagang maagapan ang sakit ng iyong mister dahil isang “killer disease” ang diabetes na puwedeng sumira sa mga vital organs ng isang tao kung hindi makokontrol.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments