Bading si mister

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Nerie, 32, may asawa. Dalawang taon pa lang kaming nakakasal ng mister ko na 28 years old. Noong una’y hindi ako naghinala sa kanyang kasarian. May pagkamahiyain siyang kumilos kaya ko nga siya natipuhan. Inisip ko hindi siya playboy. Kasamahan ko siya sa opisina. Kaya nang ligawan niya ako ay agad ko siyang sinagot dahil naisip kong tumatandang dalaga na ako. Pero nagulat ako sa ipinagtapat niya sa akin kamakailan lang. Isa siyang bakla. Pero pilit daw niyang ino-overcome dahil may takot siya sa Diyos. Nabahala ako sa sinabi niya. Baka dumating ang panahon na matukso siyang pumatol sa lalaki. Ano ang gagawin ko kung mangyari ito?

Dear Nerie,

Huwag kang matakot sa bagay na hindi pa nangyayari. Magpasalamat ka at may takot sa Diyos ang asawa mo. Pagtiwalaan mo siya. Ang kanyang pagtatapat sa iyo ay palatandaan na sinsero ang kanyang kagustuhang magbago. Sa halip ay iparamdam mo sa kanya ang iyong pagmamahal at pang-unawa. Makatutulong ito sa kanyang tuluyang pagbabago.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments