^

Para Malibang

Bakit may nababaliw sa pag-ibig? (4)

Pang-masa

Ito ay ikaapat na bahagi ng paksa kung paano mo malalaman na ang iyong karelasyon ay isang Narcissist.

Maraming kababaihan, kasama na ang letter sender na si Mylene ang napakahirap na kumawala sa isang Narcissist partner. Kagaya ng mga nabanggit sa unang artikulo ang isang taong nagtataglay ng Narcissistic Personality Disorder, isang uri ng sakit sa isip,  ay maituturing na charming, romantiko at “irresistible” kaya naman napakadaling ma-in-love sa kanila.  Dahil ginagawa nila ang lahat ng ito para makuha ang babaeng nais nilang biktimahin. Nahihirapan makawala ang isang biktima ng Narcissistic relationship kung hindi niya alam ang gawain at istratehiya ng isang Narcissist. Ngunit kung malalaman mo ang lahat ng ito, mas madali mong matatanggap na walang patutunguhan ang relasyong pinasok mo kasama ang taong ito. Ang umpisa ng pakikipagrelasyon sa isang Narcissist  ay tila nakasakay ka sa isang gas balloon na lumilipad ng pagkataas-taas. Para kang addict na high sa droga na ang tanging nakikita ay makukulay na bagay sa kapaligiran. Ngunit mabibigla ka na lang isang araw na nakasadsad  na pala sa lupa ang inyong relasyon at nasa isang tabi ka na lang at umiiyak dahil sa nararanasan mong kalituhan sa iyong isip, mga tanong na hinahanapan mo ng kasagutan kung bakit pumangit ang dating masaya at makulay ninyong relasyon. Minsan, sasagi pa sa iyong isip ang pagsisisi at masasabi mong “Sana ay binigyan ko pa siya ng space”, “Siguro nga tama siya, ako ang mali”, “Siguro nga nasasakal ko na siya”. Kung ganito ang sinasabi ng iyong kalooban, walang duda na ikaw ay 100% biktima ng isang Narcissistic relationship. Kahit sino ay hindi magnanais na makaranas ng pang-aabusong emosyonal, dahil maaari kang mabaliw o magkaroon ng depresyon kung palagi kang makakaranas nito. Tanging ang pagtanggap sa katotohanan na walang kapasidad na magmahal ng tunay ang isang Narcissist ang magiging susi mo sa iyong puso para makalayo ka ng tuluyan sa kanya. (Itutuloy)

DAHIL

ISANG

ITUTULOY

KAGAYA

KAHIT

NARCISSISTIC PERSONALITY DISORDER

NGUNIT

SIGURO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with