^

Para Malibang

Seloso si mister

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Isa po akong manikurista sa isang salon at ang mister ko ay tricycle driver. Mapagmahal ang asawa ko pero napakaseloso. Sa trabaho ko, hindi maiiwasang bola-bolahin ako ng mga lalaking kustomer. Siyempre hindi ko naman sila puwedeng isnabin at paminsan-minsan ay sumasakay ako sa biro nila. Ayaw ito ng asawa ko. Totoong may mga lumiligaw sa akin kung minsan pero alam ko naman ang aking kalagayan at pinaprangka ko sila na may asawa na ako at hindi ko sila puwedeng patulan. Sinasabi ko ito sa asawa ko pero parang lalo siyang nagagalit. Ano ang magagawa ko? Sa parlor na pinapasukan ko hindi naman puro babae ang mina-manicure ko. Pero insecure pa rin ang asawa ko. Ano ang dapat kong gawin? Hindi ako puwedeng mag-resign dahil malaking tulong sa amin ang kinikita ko. Ano po bang maipapayo niyo? - Rosy

Dear Rosy,

Kung gusto ng mister mo na iwanan mo ang iyong trabaho, sundin mo siya. Siya ang ulo ng pamil-ya at siya ang dapat masunod. May mga lalaki tala-gang seloso at iyan ay isang ugaling mahirap mabago. Gayunman, kung aalis ka sa trabaho mo, dapat magdobleng sikap ang asawa mo para hindi kayo kapusin dahil tiyak na magbabago ang takbo ng inyong kabuhayan. Pero sabihin mo sa kanya iyan sa paraang hindi siya maiinsulto. Baka sakaling kapag naramdaman niyang nagkukulang kayo ay payagan ka na rin niyang magtrabaho at mababawasan na ang kanyang pagiging seloso.

Sumasaiyo,

Vanezza

vuukle comment

ANO

ASAWA

AYAW

DEAR ROSY

DEAR VANEZZA

GAYUNMAN

ISA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with