May trauma sa lalaki

Dear Vanezza,

Itago mo na lang ako sa pangalang Krissy, 22 years old. May problema po ako na matagal ko ng dinadala sa aking dibdib. 16 years old ako noon. Sa isang party ng aking kaibigan, may nakilala akong guwapo. Hindi ko malaman kung bakit sumama ako sa kanya na lumabas ng gabing yun. Kahit guwapo siya, ayaw kong ibigay ang aking sarili. Pero puwersahan niyang nakuha ang aking virginity. Pagkatapos ng gabing iyon, hindi ko na siya nakita. Kahit ang mga kaibigan ko’y hindi siya kilala. Hindi ko sinabi sa mga friends ko ang nangyari sa akin. Hindi rin ako nag-report sa pulis dahil takot ako. Pinakatagu-tago ko ang sikretong ito pati sa pamilya ko. Ngayo’y takot akong mag-bf. Kasi para kong dadayain ang magiging bf ko. May mga nanliligaw sa akin pero kahit may gusto ako, ayaw kong mag-commit. Ano po ang gagawin ko?

Dear Honey,

Anim taon na ang nakalilipas at malamang lapsed na ang prescribed period para magdemanda ka. Pero tapos na yan. May mga nagagawa tayong mali na anumang pagsisisi natin ay hindi na maibabalik sa atin. Kalimutan mo ang nakaraan at keep on li­ving. Karapatan mo ring lumigaya kaya hindi mo dapat ito ipinagkakait sa iyong sarili dahil lang sa karanasan na iyan. Magsilbi ring aral sa’yo at sa iba pang kabataan ang nangyari sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments