Patay na ako, Mahal (43)

“NABUBUHAY ang pasyente!” sigaw sa katuwaan ng chief surgeon. Bumakas din sa mukha ng iba pang kasamahan ang kaligayahan.

Sa mga dakilang duktor at narses na ito ay sagrado ang buhay—lalo pa nga kung bata pa ang nasa operating table.

Si Avery na nasa pormang ispiritu ay naluha sa galak. Binulungan na rin si Russell. “Mabubuhay ka, mahal ko”.

Nakamulat na si Russell, nakikita niya ang dalagang nasa pormang ispiritu.

Nagtataka ang binata.  “Avery...?”

Nadinig din siya ng surgery team. “Doc, meron siyang tinawag na Avery!”

“Nobya niya siguro, nurse. Baka nasa labas nitong OR, please see”.

 Lumabas naman agad ang nurse para hanapin si Avery.

Patuloy na kausap ni Russell ang dalaga. “Bakit ka naging spirit, mahal?”

“Russell, kuwan, interchangeable ako ngayon. Kaya kong maging solid form ngayundin”.

Dinig pa rin ng surgery team ang sinasabi ng pasyente; hindi dinig ang sinasabi ni Avery.

Naging solid form ngang bigla si Avery, sa mismong tabi ng kama ni Russell. “Russ...ikaw lang ang nakakakita sa akin”.

“Alam ko, Avery...”

“Nagha-hallucinate ang pasyente,” sabi ng chief surgeon. “Hindi naman ito isolated case sa mga pasyenteng namingit nang husto sa kamatayan.”

Merong nararamdamang puwersa si Avery. “Russell...hinihila ako ng strong force... hindi ko kayang labanan...”

Naligalig si Russell. “Oh my God, huwag kang mawawala, Avery!”

“Nurse, bigyan na ng pampakalma ang pas­yente”.

“Opo, doc!”

Kitang-kita ni Russell nang higupin ng puting usok si Avery; naglaho ang dalaga sa OR.

“AVERY! NOOO!” 

Tinurukan na ng pampakalma ang binatang naghihisterikal.

Sa labas ng OR, nagulat ang baklang si Annie; nakita nito ang dalagang nakaupo sa sahig ng pa­silyo. “Avery, oh my gulay!” ITUTULOY

Show comments