Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang paninigarilyo ay sanhi ng pagkamatay ng 440,000 na Amerikano kada taon? Dahil din dito, gumagastos ang kanilang gobyerno ng $150 bilyon kada taon para sa pagpapaospital ng mga taong naninigarilyo. Ayon sa pag-aaral ng National Center for Chronic Disease Prevention and Health Promotion noong 2004, nadiskubreng ang isang stick ng sigarilyo ay nagtataglay ng 4,800 kemikal at 69 dito ay nagiging sanhi ng cancer. Namamatay naman ang 3,000 nonsmokers  o ang mga taong hindi naninigarilyo, pero nakakalanghap ng usok mula sa mga taong naninigarilyo, kada taon. Ito ay dahil mas marami pa silang nalalanghap na usok kumpara sa taong naninigarilyo.

Ang mga batang may edad na 18-buwan lamang ay nagkakaroon ng sakit sa respiratory track infections o sakit sa baga dahil sa pagkalantad sa usok ng sigarilyo.

Show comments