Ano ang sinasabi ng binti at paa? (2)

4 — Kabaliktaran ng pike. Nakahiwalay ang legs kung naglalakad o sakang. Kadalasa’y madaldal at mayabang sila. Minsa’y pakialamero sa buhay nang may buhay.

5 — Naghihirap ang taong may butuhang paa.

6 — Gastador at batugan ang taong may patulis na mga daliri sa paa.

7 — Ang paang malaman at makinis ay indikasyon ng pagyaman.

8 — Ang babaeng may mabibilog na kuko sa paa at makinis na paa ay malaki ang tsansang makapag-asawa ng mayaman.

9 — Magiging mabuti at responsableng asawa ang may maliliit na daliri sa paa.

10 — Kadalasan ay mga “survivor” ang may mala­king paa—sa lalaki ay 8 at babae ay 7. Kahit anong laki ng problema ay nakakaya nilang malampasan. Mahusay magdesisyon at magiging mahusay na lider. (Itutuloy)

Show comments