Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na magaling na hunter ang mga “wolves” o asong gubat? Ang wolves din ang ninuno ng lahat ng lahi ng aso. May bigat itong 40-kilo pero ang pinakamabigat timbang ng wolf na naitala ay 80-kilo. Ang mga matatandang wolves ay malalaki ang paa. Ang mga wolves ay namumuhay at naghahanap ng kanilang pagkain ng grupo. Ang mga batang wolf ay ipinapanganak na bulag at bingi at may bigat na 0.5 kg o isang libra. Ang mga wolves na nakatira sa malalamig na lugar ay mas mahaba ang nilalakbay upang makahanap ng pagkain kumpara sa mga wolves na nakatira sa gubat.

Show comments