NASA labas na ng musoleyo si Russell, patungo na sa kotse niya dala ang pagkaing ibibigay sa nagugutom na tao o hayop.
Hindi maunawaan ng binata ang matinding kaba. “Pakiramdam ko talaga’y ngayong araw ako mamamatay...”
Hindi kasi aware ang binata na kanina pa naghihintay sa kanya ang babaing mukhang probinsiyana, na inutusan ni Tita Soledad para patayin ang lalaking nagmamahal kay Avery.
NATANAW na ng hired killer na may bitbit na bayong si Russell.
Pasimple na itong lumapit sa binatang pasakay na sa kotse.
“Sir, mawalang galang na po. Hihingi lang po ako ng konting tulong.”
Likas na maawain si Russell, hindi binalewala ang istranghera.”Ano bang tulong, miss?”
“Kuwan, meron ako rito sa bayong na para sa iyo. Alam kong hindi mo matatanggihan...”
“Sariwang gulay ba, miss? Sige, bigyan mo ako. Kung merong kalabasa o kaya ay sitaw...”
Nakangiting dinukot ng babae ang laman ng bayong. “Mas matindi po ito sa kalabasa at sitaw, sir.
“Nakamamatay po sa sarap.”
“Talaga? Akina at nang mabayaran ko na.”
Nakangising inilabas ng babae ang baril na may silencer. “Tatlong putok lang po sa ulo, sir. Nasa langit na agad kayo.”
Namutla si Russell. “Oh my God!”
TSUG. TSUG. TSUG.
Tatlong putok ang lumabas sa baril, dalawa ang sablay. Ang isa ay nakapuro sa bumbunan ng binata.
Siya namang biglang paglabas ni Avery. Nakita ng dalaga ang nangyari kay Russell. “Diyos ko po! Hey!”
Ewan kung natakot kay Avery ang killer. Namutla ito.
Agad itong nagtatakbo sa kotse ni Tita Soledad, patakas.
Maging ang malupit na tiyahin ni Avery ay nagmamadali nang umalis sa lugar ng krimen. Sakay ang hired killer na tumakas na. BRUUUMM.
“Napatay mo ba?” tanong nito sa killer.
“Opo, madam, sigurado po!” (Itutuloy)