Lordosis. Ito ang papaloob na kurba ng buto sa itaas na bahagi ng pigi. Lumulubha ang ganitong karamdaman kung mali ang postura o labis sa timbang ang isang tao.
Arthritis. Tinatawag din itong rayuma, at may pamamaga ng kasukasuan. Maaari rin itong maging sanhi ng paulit-ulit o matagal na pananakit ng likod.
Kinakailangang kumunsulta sa isang espesya-lista dahil bawat kaso ng pagkakasakit ay mayroong gamutan na nararapat sundin mula sa payong medikal ng manggagamot.
Mga Lunas
Ang simpleng pananakit ng likod ay maaaring magamot sa pag-inom ng aspirin (nonsteroidal anti-inflammatory drugs) at sapat na pahinga. Kung hindi ito makalunas, maaaring irekomenda ng doktor ang pampakalma ng muscle o ang pagtuturok ng cortisone injection. Maaari rin na magpalagay ng kolyar sa leeg kung kinakaila-ngan lalo kung ito ay nagmumula sa pinsala sa likuran. Kapag malala ang pinsala sa likod dahil sa pumutok na disk, iminumungkahi ang operasyon upang tanggalin ang disk.
Gumamit ng tamang teknik sa pag-aangat o pagbubuhat ng mga bagay. Kapag magbubuhat ng mabigat mula sa ibaba, gamitin ang puwersang mula sa hita at binti kaysa sa mga braso at likod. Panatilihing tuwid ang likuran, at patatagin ang mga binti.
Kapag nagtatrabaho sa mesa, tiyakin na ang silyang kinauupuan ay nagbibigay ng tamang suporta sa likuran, at ang ginagamit na mesa at silya ay komportable.