^

Para Malibang

Kapusukan

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin nyo po akong Otis, 23 years old na po ako ngayon. Nang ako’y 19-anyos pa lang, nagkaroon ako ng gf. Bata siya sa akin ng dalawang taon. Palibhasa’y mga bata pa kami at padalus-dalos, nakuha ko ang pagkadalaga ng aking gf. Nabuntis ko siya. Natakot kami pareho. Nagtanung-tanong ako at dinala ko siya sa isang abortionist. Inilaglag namin ang sanggol. Pero matapos ang dalawang linggo, nilagnat ang gf ko. Hindi ito gumaling hanggang sa siya’y mamatay. Mahirap lang sila at nakatira sa squatters area kaya hindi na naipadoktor ang gf ko. Naging lihim ang dahilan ng kamatayan niya na walang nakaaalam kundi ako. Tatlong taon na ang nakalilipas pero dala-dala ko pa rin ang sumbat ng budhi. Sana’y magsilbing aral ang kasaysayan ko sa ibang kabataan.

Dear Otis,

Mabigat talagang pasanin ng kunsensiya mo ang nangyari. Humingi ka ng tawad sa Diyos at mangakong hindi na uulit para gumaan ang iyong dinadala sa dibdib. Totoong mara­ming kabataan ang tulad mo, masyadong mapusok. Nawa’y maging gintong aral ito sa kanila at lalo na sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

vuukle comment

BATA

DEAR OTIS

DEAR VANEZZA

DIYOS

HUMINGI

INILAGLAG

MABIGAT

MAHIRAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with