^

Para Malibang

10 Tips para sa Men’s Sexual Health

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Ayon sa healthcentral.com, inaalagaan ng mga lalaki ang kanilang sarili sa pagbabantay ng kanilang kinakain, regular na pag-e-exercise at pagma-manage ng stress sa kanilang buhay pero ang hindi nila alam, maaalagaan din nila ang kanilang sexual health at maiiwasan sila sa problema bago pa dumating ito.

Narito ang ilang tips 10 tips para maalagaan ang sexual health:

Kumain ng healthy diet – Ang hindi alam ng mga lalaki, naapektuhan ng kanilang mga kinakain ang kanilang sexual performance.  Kung kakain ng masustansiyang pagkain na mayaman sa nutrients at low in fats, maaalagaan ang “sexual” system.  Ugaliing kumain ng maraming prutas at gulay, walang taba na karne, whole grain at low-fat na gata.

Regular exercise – Ang mga lalaking laging ginagawa ay nagkakaroon ng problema sa  sexual life. Kung laging kumikilos, magiging aktibo ang katawan at mapapangalagaan ang  sexual health.

Stop smoking – Maraming doctor ang nagsasabi na ang paninigarilyo ay may malaking dahilan ng  sexual dysfunction sa mga lalaki.  Base sa mga pag-aaral, ang mga lalaking may Erectile dysfunction ay mga naninigarilyo at ang paninigarilyo ay nakakapagpababa rin ng sperm count at kalidad ng sperm. Dahil sa paninigarilyo, nasisira ang small arteries na nagdadala ng dugo sa penis, kaya minsan mahirap mag-maintain ng  erection.

Bawasan ang pag-inom ng alcohol - Masarap talagang uminom pero sa pag-inom ng mga inuming nakalalasing, inilalagay ang sarili sa panganib ng erectile dysfunction. Kapag nakainom, mas ‘ginaganahan’ pero nababawasan ang libido, nagiging sanhi ng erection problems, at madalas na­giging dahilan ito para hindi magkaroon ng orgasm.

Manage stress - Kapag  nai-stress pakiramdam mo ay pagod, nag-aalala, hindi mapa­kali at nininerbiyos at ito ay nagiging dahilan din ng pagkakaroon ng sexual problems. Kung haha­yaan ang stress na kontrolin ang buhay mo imbes na ikaw ang komontrol sa stress, pupulutin ka sa kangkungan. Pag-aralan ang stress ma­nagement techniques, pag-aralang kontrolin ang galit at kalungkutan at sa ganitong paraan, naaalagaan ang sexual health (pati na rin ang iyong katinuan).

Mag-Kegel exercises – Karaniwang inuugnay ito sa mga babae. Ang Kegel exercises ay makakatulong sa sexual enjoyment rin ng mga lalaki.  Ang Kegels ay paraan para palakasin ang  muscles na kumukunekta sa base ng penis at sa tailbone.  Ang mga muscles  na ito ang komokontrol sa pagdaloy ng fluids sa urethra, kaya kung makokontrol ito maaari mong madelay ang ejaculation para mapatindi ang orgasm.  Para malaman kung ano ang mga muscles na ito, subukang pigilan ang ihi sa susunod namagbabanyo ka. Ang mga muscles na ito ang kailangang higpitan kaya para gawin ang  Kegels, impitin ang mga naturang musclesng ilang sewgundo bagoKapag kino-contract ang mga muscles na ito, napapalakas ito at mas ‘maliligayahan.

 

ANG KEGEL

ANG KEGELS

AYON

KAPAG

SEXUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with