Snake

Year of Birth: 1941, 1953, 1965, 1977, 1989, 2001, 2013

Lucky Colors in 2015: brown, pink
Lucky Numbers in 2015: 1, 8
Best months of 2015: April, July, August, September and December

Best with: Ox or Rooster Worst with: Tiger, Monkey or Pig

Wealth-Sa masisipag na negosyante, tutubo ng malaki. Sa mga empleyado, kikita ng ekstra bukod sa sinusuweldo. May tendency na gumastos nang higit pa sa kinikita kaya utang ang resulta.

Career-Magiging busy trabaho sa first half of the year. Kung planong magbakasyon sa abroad, matutuloy ito sa second half of the year dahil maluwag na ang schedule. Hindi ‘favorable’ na mag-launch ng new project sa mga negosyante, maliban kung ang negosyo ay konektado sa ibang bansa. Sa mga nag-eempleyo, pagbutihin ang trabaho. Baka matanggal kapag napatunayang palpak sa pagtatrabaho.

Love-Sa single Snake, may makikilala habang nasa nagbabakasyon sa abroad. May tsansang magkaroon ng karelasyon pero pagtataksilan. Sa married, tahimik ang magiging relasyon sa asawa.

Health-Mag-ingat kapag nagtatrabaho para maiwasan ang injuries. Iwasan ang risky sports kagaya ng diving at car racing na malapit sa aksidente. Sa parte ng katawan, poproblemahin ang lalamunan.

Show comments