Ibuking ang sinungaling

Minsan, nahihirapan kang suriin kung totoo ang sinasabi o nagsisinungaling ang taong kaharap mo. Narito ang ilang hakbang para malaman mo kung siya ay nagsasabi ng totoo o hindi:

Hindi makatingin ng diretso -  Sabi nga ang mata  makikita kung anong mayroon sa iyong kalooban. Ang isang taong nagsisinungaling ay mahirap makatingin ng diretso sa mata ng kanyang kausap. Makatingin man ay panay naman ang kurap nito. Ngunit dapat ka pa rin maging mapanuri dahil ang mga propesyunal na sinungaling ay kaya pa rin tumingin ng diretso sa mata ng kanyang kausap.

Hindi mapakali – May ilang taong sinungaling na kinakikitaan ng “stress” kapag sila ay kinakausap at hindi nagsasabi ng totoo. Maaaring siya ay nagkakamot ng ulo o mukha  o panay ang lunok kapag siya nakikipag-usap sa taong kanyang pinagsisinungalingan.

Panay ang tingin sa kanan – Sa pag-aaral ang taong nagsisinungaling ay panay ang tingin sa kanyang kanang bahagi pataas. Ito ay dahil ang kanang bahagi ng utak ng tao ang gumagana para magkaroon ng imagination habang ang taong panay naman ang tingin sa kaliwang bahagi ay nagpupumilit na hagilapin sa kanyang memorya ang mga bagay na nangyari sa kanya sa mga nakalipas na oras.

Show comments