(Part 4)
4. Iwasan ang malimit na pag-inom ng alak
Ang alak ay maaaring makapinsala ng ating atay na magiging daan ng pagkakaroon ng fatty liver, pamamaga ng atay, alcoholic hepatitis o cirrhosis. Kapag tayo ay may sakit o pinsala na sa ating atay, ang pag-inom ng kahit konting alak ay maaaring magpalala ng pinsala rito.
5. Iwasan ang malimit na paggamit ng mga kemikal na panglinis ng bahay.
Ang palagiang paggamit ng mga kemikal na panglinis ng bahay ay humahadlang upang maging malusog ang ating atay. Gumamit ng mga natural na produkto na panglinis ng ating kabahayan at mga personal na panglinis ng ating katawan. Tiyaking ligtas ang inuming tubig sa anumang kemikal na maaaring makakakontamina rito at gumamit ng air purifier kung nakatira malapit sa pangunahing lansangan na madalas ay ma-traffic.
6. Regular na i-Detoxify ang ating katawan
Ang atay (kasama na ang kidneys, blood, bowel, lymphatic system at balat) ay tumutulong para tanggalin ang mga kemikal na maaaring makalason sa ating katawan sa pamamagitan ng ating pawis, ihi, at tae.