Gabay Para Protektahan ang Atay
1. Kumain ng mga organic foods
Ang ating mga kinakain ang isa sa mga nagpapahirap sa ating atay dahil karamihan sa ating mga kinakain ay kontaminado ng pestisidyo, pataba sa pananim at iba pang mga kemikal.
Sa pagakain ng organic na pagkain ay matatamo natin ang puro at malinis na pagkain na kailangan ng ating atay upang maiwasan ang pagkasira nito. Ang organic foods ay kailangang ito ay walang ginamit na synthetic na fertilizer, antibiotics, growth hormones at iba pang kemikal na maaaring makasira sa atay.
2. Limitahan ang pagkunsumo ng fructose, mga prinitong pagkain at processed foods na mayroong fats o hydrogenated oils. Ang trans fats ay karaniwan sa mga prinitong pagkain katulad ng French fries, doughnuts at iba pang pagkain kagaya ng cookies, biskwit at iba pang processed foods. Kapag ang ingredient ay mayroong “hydrogenated” o “partially hydrogenated” oil, ito ay mayroong trans fat. Ang fructose ay makikita rin sa ilang processed foods gayun din sa soda at fruit juice.
Ayon sa pag-aaral ng Hepatology, ang pagkain na mataas sa fructose at trans fats ay nagiging dahilan ng obesity at fatty liver disease.
3. Kumain ng prutas, gulay at iba pang pagkain na makakatulong upang maging malusog ang ating atay.
Ang pagkain ng sariwang prutas at gulay ay makakatulong upang ma-detoxify ang ating atay. Mga pagkain na mayaman sa sulfur katulad ng bawang, sebuyas at mabeberdeng gulay (broccoli, kale, collard greens, repolyo, cauliflower, etc.) ay kilalang liver detoxifying foods. Ang gulay ay mainam na pinanggagalingan ng fiber, na nakakatulong upang maalis ang toxins sa ating digestive tract, nakakabawas ng stress sa ating atay. Turmeric, cinnamon at licorice ay kilala rin na nakatutulong sa atay upang gumana ng maayos.